PAGBABALIK.

Sa tagal kong hindi nagsusulat, babalik na ako.

Kase ganun naman talaga eh, may mga bagay tayong gustong balikan.

Dito ko na lang kase nailalabas lahat.

Naniniwala ako sa pagbalik ko, mas madami ako makikilala at mas madami akong matututunan.

Kase dito, alam ko, lahat tayo, we write whatever is in our hearts. 

Totoo lahat.

No filters.

No effects.

Just genuine and sincere words.

Maligayang pagbabalik.

Advertisements

Adjustment 2: TIME

Simula nung nagka-work ako, madaming time ang nabawas sakin. Yung time ko for friends, family, lovelife saka sleep.  Lahat nawala. Minsan kase kahit na nagpapahinga, minsan, tbh, hindi ko maiwasan yung mag Facebook or YouTube.

Ang sad lang kase the other day, bigla kong namiss yung mga kapatid ko. Namiss ko sila kakwentuhan saka kabiruan. Naging busy kase kami sa kaniya-kaniyang buhay. Kaya the other night, nag dinner kami sa Mcdo. Tas kwentuhan lang. Ang saya kase kahit papaano, we managed to catch up.

This Sat naman, i’ll meet my best friend nung highschool. Dati, nung unemployed pa kami, halos everyday kami magkasama. Pero ngayon, hindi. Saka ko lang na realise na halos ilang buwan na pala kami hindi nagkikita.Time flies so fast. Hindi ko na namamalayan na hindi ko na pala siya nakakusap or nakikita.

Kakaiba lang sa feeling kapag may work na. I know dami ko pang adjustments pero kakayanin kase andyan naman si Lord at yung mga taong handang sumuporta sakin.

Adjustment 1: Adulting

Finally, naramdaman ko na may silbi ako sa society kase nagka-work na ako. Kase nakapag-contribute nako sa tax, nakakatulong na din ako sa pamilya ko (in a way kase hindi pa ganong kalaki sahod ko) and nakakagastos na din ako with my own money na pinaghirapan ko. Sobrang ganda ng benefits kapag may work ka na and may mga bagay din akong na-realise (please dont judge me using ‘s’ instead of ‘z’ kailangan ko mag-practice kase sa work ganyan kailangan spelling huhu) and natutunan.

  1. Kahit may sakit ka, mas pipiliin mong pumasok. Lalo na kapag ‘no work, no pay’ ka. Go lang eh. Yesterday kase pumasok ako kahit masama pakiramdam ko. Resulta? Nagkasakit ako today kaya absent. Ouch.
  2. Natuto ako magising ng maaga. As in 4AM ako gumigising everyday kase before 7AM nasa work nako.
  3. Natuto ako magtipid. Dati, I dont manage my money but, since nabibigyan naman ako ng baon ng magulang ko. Ngayon, naglalaan nako ng pera for my pamasahe everyday, mga dapat ko lang gastusin, pangTithes ko, saka ibibgay ko sa mga kapatid ko pang baon nila sa school.
  4. Importante ang pag balance ng oras. Kase kung mag- dilly dally ako, madami akong hindi magagawa.
  5. Huwag umasa sa iba. Kase sa work ko, habang nasa training kami, tulong-tulong kami sa paghahanap ng mga words and everything na kailangan namin sama sa summaries namin. but once na nag-live na kami, we have to work on our own. Kaya nung nag-Live na ako, nangangapa talaga ako. Dapat pala ever since, natuto ako na hindi umasa sa mga kasama ko na magtutulungan kami always. Kase in the end, sarili mo din pala magsasalba sayo.

Sa ngayon, ito pa lang but, i know madadagdagan pa. Kase sa buhay naman di ba, endless ang lessons na matututunan natin.

9 > MEJO MAGULO

Dati, sabi ko, wala akong karapatan para mag-demand ng oras. Kasi, hindi naman kami. Wala akong pinanghahawakan, kaya dapat hindi ako mag-assume na pwede ako magsabi sa kaniya ng ganito:

“Bigyan mo naman ako ng panahon kase kailangan din kita. Kailangan kita kase nalulungkot ako. Nahihirapan ako.”

Something like that.

———————————————————————————–

Iba na kase ngayon. May karapatan na ako. May pinanghahawakan na ako. Pero bakit hindi ko pa din ako masabi na bigyan niya ako ng oras at panahon.

Malapit na finals nila and nagkakaproblema sila sa thesis nila. As expected, super busy niya ngayon. Wala na nga siyang panahon magpahinga. Aside kase sa school works niya, may pinagdadaanan din kase siyang personal and sa sobrang nakaka-stress, hindi na niya kinakaya. But life goes on, kailangan niya harapin. Kailangan namin harapin.

Kinakausap naman niya ako. Sa gabi. Kung kelan antok nako. Kung kelan pagod na ako. Kaya I often leave a chat saying, “Kapag hindi na ako naka-reply it means tulog na ako. Goodnight. I love you.” However, minsan na lang ako makatanggap ng “Goodnight. I love you too.”

Tama nga sila, habang tumatagal, madaming magbabago. Sa kilos, ayos at nararamdaman. Alam ko hindi naman niya sinasadya kase madami na din siyang iniisip. Pero alam mo yun, minsan mapapa-isip ka na naiisip ka pa ba niya? Kung kumain ka na ba? Ganon. Kase dati naman kahit madami siyang ginagawa nakakmusta niya pa din ako.

Siguro kasalanan ko din kase lumalayo ako sa kaniya. Kapag tumatawag siya, I pretty much just listen sa rant niya. Kung gaano kahirap yung thesis niya, gano ka-hirap i-please yung prof niya kase ayaw silang bigyan ng second chance para sa Final defense, kung gaano siya nahihirapan sa bahay nila. After niya masabi lahat yan, it’s either tinatawag na ako or kailangan na niya gumawa ng thesis niya. Hindi na ako nakapag sabi sa kaniya kung anong nangyare sakin that day. 

Im torn. Kase:

  1. Kapag kase ite-text ko siya, matagal siya makakapag reply (kase nga madaming ginagawa, nasa klase ganon), maiinis ako kase mag-aantay ako, kung baga yung momentum mawawala na tapos mawawalan na ako ng gana. Kaya pipiliiin ko na lang na magtext kapag nagtext na siya.
  2. Wala kase ako sa lugar niya. Hindi ako gaanong busy kase as of now taong bahay lang ako. Busy ako with school works and church activities pero unlike him, wala akong gaanong ganap.
  3. May karapatan akong magdemand ng oras at panahon kase girlfriend niya ako. Kailangan ko din siya kase wala na nga akong makausap. Hindi naman sa wala akong friends pero iba pa din kung siya pagsasabihan ko ng thoughts and problems ko. To be honest, naiipon na lahat.

Hindi ko alam kung ako ba yung may pagkukulang o siya. Hindi ko alam kung dapat ba hayaan ko na lang muna na ganito kami. Hindi ko alam kung dapat ba mag-antay lang ako.

Isa lang kase alam ko, malapit na akong mapagod mag-antay. Howeve,r these are the moments na kailangan ko maging matatag. Ang hirap lang maghanap ng lakas ng loob kase nga, wala namang nagsasabi sakin. How will he know na kailangan ko encouragement niya, eh hindi nga ako nabibigyan ng chance para magsabi sa kaniya na nanghihina na ako. Minsan naman sasabihin niya, “Tiis lang tayo.” 

Nakakinis na yung limitations. But wala. Wala akong choice. Kung hindi magtiis.

[Hanggang kailan?]

8 > KAPAG MAG-ISA AKO.

Ilang araw na ako mag-isang naiiwan.

Maagang-maaga silang nagaayos para pumasok sa trabaho at eskwelahan. Habang ako, humihilik pa sa higaan ko. Kapag wala na silang lahat, saka ako babangon. Saka ko sisimulan yung araw ko.

Maglilinis ako ng bahay habang nagpapatugtog ng sobrang lakas. Kung minsan naman, manonood muna ako ng mga Vlogs ng iba’t-ibang tao then hapon na ako nakakapag simula mag-ayos (minsan talaga may lazy days ako eh. Sorry naman. Di perpekto eh).

Pero ewan ko ba, ibang-iba ngayong araw. Para bang may isang tanong na sumagi sa isip ko. Habang nag-iisa ako at nanonood ng “W”, lahat ba tayo thankful sa Panginoon na nagigising tayo tuwing umaga? Na binibigyan tayo ni Lord ng chance para magsimula ulit? Kahit ba minsan naiisip natin na it’s just the same old day? Pero na-realize ko na hindi laging ganon. Simula nang nag bigay ako ng oras sa Lord through devotion nagkaroon ng sense lahat ng bagay sa akin. Para bang nagkaroon ng meaning lahat.

Sa “W” si Kang Chul, buong buhay niya sinisisi siya sa pagkamatay ng pamilya niya na hindi naman siya gumawa. He was haunted by his past all is life not knowing that he is only a fictional character. Pero tayo, swerte tayo kase may Free will tayo and si Lord ang nagco-control ng buhay natin. Ayaw niya na masaktan tayo, mahirapan tayo at gusto Niya tayong bigyan ng magandang kinabukasan. [Jer.29:11]

Kahit may times na nakakalungkot, kase mag-isa lang ako dito. Pero it’s also an opportunity para makapag devote ako ng time ko para kay Lord and at the same time, to realize certain things na hindi ko nakikita kapag madami akong iniisip, inaalala saka dinadala. Kaya hindi araw-araw malungkot.

Lord, salamat po sa mga bagay na ginagawa mo sa buhay namin. Kahit na minsan mahirap, pero andyan Ka para tulungan kami. Alam ko yung paghihirap ay isang paraan para mas maging matatag kami bilang tao at isang senyales na kailangan Ka talaga namin sa buhay namin. Salamat sa bagong umaga. Salamat sa bagong pag-asa at higit sa lahat, salamat sa walang sawang pagmamahal. 

Amen.

7 > Hindi madali

Legit pala na hindi madali.

Ilang weeks na ako nagaantay ng tawag kase sabi nila naturally na matagal talaga tumawag yung inapplayan ko. Minsan daw, isang buwan or more than that. Nag-apply na ako sa iba, kahit sa Makati, push na! Magka-work lang. Hindi pala talaga biro. Hindi madali.

Hindi madali kumita ng pera. Mga artista na mismo nagsabi. Kung sila nahihirapan pano pa kaya ako? Kaya ngayon, sobra na-a-appreciate ko na yung ginagawa ng magulang ko para sa amin. Kung papaano naigapang ng magulang ko lalo na ng Tatay ko yung pamilya namin.

 

 

6 > ?

Pangalawa na.

Bakit ba sa tuwing magkaaway tayo may ibang babae na lilitaw. Sasabihin mo na wala lang yon pero kapag ako, BAWAL. GUSTO KONG BUMAWI. GUSTONG KONG GAWIN YUNG AYAW MO PERO CHILL LANG AKO. HINDI KO GINAGAWA KASE AYAW KO NA MAY MASABI KA SAKIN. (ALL CAPS PARA INTENSE).

Nag-aantay ako buong araw. Walang text. Nakapag-paayos nako ng passport, nakabyahe na ako ng matagal, naagawa ko na yung dapat kong gawin, nakapagtrabaho nako, naka-in na ulit ako sa next shift ko, walang paramdam. TAPOS MAKIKITA KO SA FB “JUST NOW” nag-post ka? Pusang gala.

Alam ko galit ka, nasaktan ka sa sinabi ko. Pero parehas lang sigurong pagod at umaasa na makakapag kita o makakapag usap tayo ng maayos.

Ngayon, hindi ko alam, kung dapat pa ba ako mag-open sayo kase pakiramdam ko hindi ka na makikinig. Lahat ng sasabihin ko sayo, “UNREASONABLE”. Iba na ba ngayon? Iba na nga ata ngayon.

“I will always listen to you. I’ll be here if you need me.”

I needed you. You weren’t here.